napag usapan namin ni nique kagabi ang tungkol sa panliligaw.
ano ba ang karaniwang konsepto ng ligaw? pupunta si lalaki sa bahay, magpapa cute sa magulang at mga kapatid mo. magdadala ng flowers at chocolate, samahan mo pa ng teddy bear. tapos susunduin ka nya sa school, ililibre ka ng lunch, dinner. etc. in short, materialistic. isang ilusyon. chuvaness. eklavu.
anong point ko? wala lang. di kasi ako naniniwala sa ligaw. tingin ko kasi sa stage na 'to, pinapaniwala nyo ang isa't isa na ganito ka, na ganun ka well in fact hindi naman talaga. tsaka ano bang point ng pagbibigay ng chocolates? dun ba nasusukat ang pagmamahal ng lalaki sa babae? sabi nga naman ni nique, para kang binibili ng mga materyal na bagay kapag ganun.
mukha kasing mas maganda yung nagkadevelopan drama. according to niquerz my dakilang pare, yung tipong kahapon lang kabiruan mo pa, ngayon iba na. sa ganon kasi parang alam nyo yung tunay na kulay ng isa't isa. tsaka mas maganda kung hindi lang bf or gf ang tingin yo sa isa't isa kundi magkaibigan din at the same time.
well opinyon ko lang naman 'to ah. di ko naman kinokontra ang mga nagliligawan out there. kung dun sila masaya why not di ba? hahahaha!
May 30, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

4 comments ^__^:
Kahit ako e, hindi naniniwala sa ganyan. Minsan kong nabanggit kay Maricon, hehe.
plus na lang yung mga pagbibigay ng mga chocolates at flowers. parang appreciation of who she is not so much about ligaw. kasi kahit naman hindi gf (or sa taong wala kang balak ligawan) ay pwede mo pa ring bigyan ng flowers and chocolates.
ligawan might not be applicable to all kasi umiiba na rin kasi ang generation.
pero kasi di ba po kapag binigyan ka ng flowers at chocolates unang iisipin ng tao nanliligaw ka e. automatic na yun e. so hindi na talaga natin maiaalis yung association ng mga bagay na yun.
^__^
i had one serious relationship before bee came. we lasted 5 years. hindi rin kami nagligawan kasi di naman siya marunong manligaw. kahit si bee, di rin naman ako niligawan. pero minsan, parang ang sarap ng feeling ng nililigawan... when someone treats you like a princess. hehehe
Post a Comment